Sino ba si Alexandria Reigh?

Si Jake Daniel Malicdem Bactol o kilala sa tawag na Alexandria Reigh ay isang gay na nagmula sa Angono Rizal, Philippines. Siya ay sixteen years old at nag-aaral sa Angono National High School. Mahilig itong kumanta, magbasa, gumawa ng kwento at tumula. Madalas din siyang nage-eksperemento ng mga pagkain at paintings. His dream is to be a Miss Universe at naniniwala siyang siya na raw ay ganap na beauty queen.

His dream job is to work on ABS-CBN that’s why he is taking HUMSS or Humanities and Social Science on his Grade eleven days. His Idol is Ariana Grande and he once dream to be a transgender but that desire has changed when he become a Methodist.

He is believing na kapag may tiyaga, may nilaga at kapag may adobo, may okasiyon!

Find him on:

http://www.facebook.com/JakeLucila?

Let’s talk about LOVE.💜

[Tag-lish]

Good Morning besshy! Today is August 19, 2017 and we are going to talk about love. Specifically? My Love. But anyways, what is Love? Yes, Love is a four lettered word but what is the meaning of Love?

In my life, I have many different kinds of Love. Love for my family, Love for my friends but Love for someone that is special? I don’t think if that thing is existing in me.

But lately, there is a man that captured my attention and this man is from my High School days.

Let’s call him, Ian. Hindi naman siya katulad ng mga lalake sa wattpad pero siya talaga yung nagustuhan ko ever since na pumasok ako dun sa skwelahan na yun as Grade seven. Sa pagkakatanda ko, hanggang Grade Eight ako ay crush ko siya but when my friends tell me na may pino-pormahan siyang babae, doon na siguro ako tumigil. Hindi lang siguro ako ganung klase ng Gay na magpapakamatay dahil sa pag-ibig. Haha!

After that, I never think about Love again. I focused on my own life, my own friends, and my own eyebrows. After that, merong nag-chat sa akin na isang lalake and that time, I am Grade ten. Guess what, he is Grade seven.

I know, anyone of you is already accusing me that I was a peddofile but I just want to be honest because this is my Love Story.

Let’s call that guy as Jan. Jan always chatting me and we are always talking about many things but always ending in my celebrity Idol, Ariaina Grande.

Until his classmates telling me that yung guy nga daw na iyon ay crush daw ako dahil si Ariana Grande daw ako.

I blush that time pero syempre, hindi naman ako magpapahalata na kinilig ako but honestly, kinikilig ako.

We keep on chatting. Every night, we are talking about so many things until I noticed that I fall for him. (Corny!)

As time run, hindi ko na namalayan na ako nalang pala ang nagpu-push na makausap siya and without knowing, hindi niya na pala ako gustong makausap.

Ang sakit kaya ng ganun! Hahaha pero hindi rin nagtagal ay tumigil narin ako. Dumating pa sa point na I rebound someone. (Ibang kwento na yan.)

Then lately, my Friend return from canada and nagkita-kita kami ng mga ka-klase ko at nandun si Ian.

Kinilig ako kase ang pogi niya but I think, this is not the right time for Love. Nadala ako dun kay Jan. For me, much better if magfo-focus nalang muna ako sa school, friends and family ko.

So ayan na po ang kwentong pag-ibig ko. I am very sorry kung hindi siya ganung nakakakilig but I hope you’ll leave a comment to make me improve my writing skills.😘 Bye!

“Love will come in a right time. Don’t rush things.”

-Alexandria❤

(This is Ian.❤)

100 pieces order?!

Good day Besshy! So hayaaan, sobrang productive ng araw ko today. Actually, kagabi pa. — Share ko lang yung nangyari kagabi.— Kahapon kase, pagkagaling sa skwelahan ay nagpasama ako kay Ate Nerrisa sa palengke. Ang saya saya kase for the first time, dalawang product yung itininda ko which is Chips and Graham Balls. Hihihi!

Sobrang happy kase naubos yung chips sa school from 65 pesos na puhunan, to 150 pesos na tubo! Imagine? Sobrang benta ng paninda.😊

And heto na nga, pagka-uwi ko ay naghatid pa ako ng One Hundred pieces na Graham Balls for the birthday of my costumer’s daughter.

Sobrang blessing talaga ng araw na ito sa akin although, nakakapagod. Worth it parin.

Basta, bilin ko sayo Besshy na palagi lang magtitiwala at susunod kay Lord dahil maraming blessings na darating para sa iyo. Yun lang Bye!🌸☝

— Alexandria❤

Set plans para sa mga susunod na araw!

Hello mga besshy! Ako na naman po ito and today is August 16, 2017. Maaga akong nagising pero nanatili nalang muna ako sa higaan. Late narin kase akong natulog and sobrang dami pang gagawin kahit tapos na ang first grading. Pero syempre, hindi naman mabubuo ang araw ko kapag wala akong tinda so naghapit pa ako kagabi. Gumawa ako ng Graham balls.

Nung pagka-pananghali, sobrang kinabahan ako kase nalimutan kong magpagupit. Haircut day kase namin ngayon. Buti na lang at isi-nave ako ni Lord sa kapabayaan ko. Para kase akong matanda. Napakabata ko pa, nagu-ulyanin na ako. Bwahaha!

So ayun nga, naubos yung tinda ko and kumita ako ng two hundred forty pesos pero parang wala rin kase nagastos ko yung tubo ko which is fifty pesos and yung susunod ko kaseng ititinda ay worth two hundred pesos. Bumili din ako ng tinda ng kaklase kong si Ate Lady na Chocolate so ayun, tubo? Nganga.

Pero okay narin naman sa akin lahat. Kase, may mga kumuha naman sa akin na bukas magba-bayad so may pera pa ako para bukas. Hihihi!

Kaya guys, kapag mag-titinda kayo make sure na huwag niyo munang gagalawin ang pera kase sobrang magugulo yung budgeting niyo. Swear!

Tapos, kung hindi talaga malas ang araw na ito para sa akin. Nasira pa yung earphones ko. So, sabi ko talaga sa sarili ko na kapag nakapag-ipon na ako bibilin ko yung mostly needs ko.

Tonight, I am writing my Goals and Need to buy’s dito sa Journal ko para naman ma-inspire ulit ako na gumawa ng different kinds of things na sobrang productive para matupad ko ang mga Goals na iyon.

So much for today mga besshy, thanks for reading! Have a nice day and God bless!

— Alexandria❤

Studyante Life: Bakit nai-stress ang isang mag-aaral?

Hello besshy! Welcome sa unang-una kong segment, ang Studyante life. At tatawagin ko ang segment na ito na, “Bakit nai-stress ang mga mag-aaral?”

Ikaw ba ay isa sa mga mag-aaral na, palagi nalang palakol ang nakukuha sa mga quizes? Ikaw ba ay nagtataka kung bakit baliw na baliw kana tuwing araw ng exam? o baka naman, sanay kana sa ganoong feeling tuwing malapit na ang exam o yung tinatawag nila na Hell week.

Pwes, ngayon ay paguusapan natin kung ano ang ways ang strategies ko upang maiwasan ang pagiging stress at stay pretty lang.👸

When I was in High School, I used to be stress and I thought that it was normal. Pero noong naging kaibigan ko si Teru, hindi niya tunay na pangalan ay nagbago ang perspective ko. Siya kase yung tipo ng studyante na exam day na nga pero nage-fb pa. Isa pa ay hindi mo makikita sa mukha niya na nai-stress na siya. So I asked myself, What if baguhin ko ang lifestyle ko? Then doon na nagsimula na mabago ang buhay ko, charot! (Mwahaha) doon na nagsimula na unti-unting mawala ang stress ko. Tanong, paano ko ba ginawa? Paano nga ba?

Hindi kami pareho ng ways ni Teru dahil hindi naman maarte yun na tulad ko. Wala naman siyajg sinusunod na ways and strategies pero dahil akin ang blog na ito ay ako ang masusunod. Hahaha! Charot lang.😄

Meron akong 5 #IwasStress na tinatawag at malalaman ninyo iyon sa ibaba.

1. #IwasStress

Write your “Things to do” on your clean notebook.

Bilang isang studyante ay mahalaga na meron tayong notebook na pang-sarili, pwede mo kaseng isulat doon ang mga Goals, wants, vision and mission mo. Pero dahil ang pag-iwas sa “HUSSLE” ang pinag-uusapan natin, ay magfo-focus muna tayo sa Schedule. Look at mine,

(Pag-pasensiyahan niyo na yung sulat ko, hihi!) Pero nakalagay diyan sa schedule ko yung mga bagay na mga dapat kong gawin. Sa tulong kase ng Schedule ay, maaayos na ang time management mo at marami ka pang magagawa. Astig diba?

2. #IwasStress

Avoid muna ang phone.

Minsan, cellular phone talaga ang nakakapagpasira ng focus sa pag-aaral, eh. Kaya para hindi magkandaloko-loko ang buhay mo at para makatapos ka agad ng pag-rereview ay better to off muna ang phone para walang ibang pumasok sa isip mo at pagre-review lang ang aatupagin mo.

3. #IwasStress

Prepare your things earlier, do your priorities in early time.

Kung ikaw ang Cinderella ng bahay ninyo, gawin na agad ang mga gawaing bahay para hindi na mabungangaan ng mudrabells hahaha! Isa rin yun sa mga stress kaya iwasan na mangyari yun.

4. #IwasStress

Listen to your teacher and review your notes at home.

Kapag nagtu-turo si Teacher, makinig lang. Huwag papa-distract sa chikadorang katabi. Huwag papa-temp sa batok ng nasa harapan at sa bintana o kisame. Bagkus ay tumingin lang sa Teacher dahil isa iyon sa mabisang paraan upang ma-pick up ng maigi ang topic.

Take down notes ka din para may ri-reviewhin ka pag-uwi sa bahay. Swear, pagdating ng araw ng exam ay may mataas na grade kang makukuha.

5. Watch and read motivational books and movies. Meditate.

Kapag alam mong mahihirapan ka sa exam, huwag ka ng manood ng mga movies na komplikado. Watch and read a movie or book that has facts, trivias and inspirational message. Sa paraan na iyan ay mababago ang pananaw mo sa stressful na buhay studyante.

Meditate. Set a time para marelax ang utak mo from stress and assignments. Hanap ka lang sa YouTube© ng relaxing musics then close your eyes. Kalimutan ang mga problema at think about positive thoughts. Hane?

Meron pa akong additional advice like, Eating nuts and chocolate at always pray. Prayer is always the best weapon when stress killing you.

So hayaaan! Naishare ko na sa inyo kung paano maiiwasan ang stress sa school, upcoming exams and stressful days. Sana sa susunod mga besshy ay bisitahin mong muli ang Blog ko. Hanggang sa muli!

—Alexandria❤

Stress na ako para sa Exam! • Magandang araw! • Nice view!

Hello Besshy! Alam kong marami sa inyo ang nai-imbyerna na para sa exam. Meron nga diyan, wala nang kilay (MWAHAHA!) Kakasunog ng kilay.

Anyways, ako din ganyan. Naiimbyerna na sa dami ng kailangang kabisaduhin pero fight lang! May mararating naman ang mga paghihirap natin soon. May rewards tayo kay Lord! Dasal lang.

Mga besshy kanina nga pala, nagkaroon kami ng Title Defense. Grabe, hindi ko alam kung kakabahan ako pero kinabahan talaga ako. Alam mo yung pakiramdam na alam mo yung gusto mong sabihin pero nawawala ng parang bula dahil sa kaba? Ganun yung nangyari sa akin kanina. Buti na nga lang at natapos narin kami at congratulation daw sa amin sabi nung pannel. Nakapag-palit tuloy ako ng profile picture ng wala sa oras. HAHAHA!

Tapos bago umuwi galing sa school, ang ganda ng view sa kalangitan. Yung picture na naka-attach, di po galing sa Google yan hehe. Galing po yan sa view ng kalangitan sa Fourth Floor building namin na naka-capture ko kapag uwian. 6:30PM kase ang labasan namin.

Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na sila ate Marchelle at Ate Mikaela kase, iniintay talaga nila ako pag-uwian. Mabagal kase talaga akong mag-ayos ng gamit haha! Alam niyo na, marami pang bitbiting makeup. Charot lang HAHAHA!

O siya! Yun lang naman ang gusto kong sabihin hahaha alam niyo na, nagrereview pa ang besshy niyo. Hihi! Nga pala, gumawa ako ng Higante Figure na project namin sa contemporary. Sure akong kamukha siya ni Pia Wurtzbach. HAHA!

Sige na! Napakadaldal ko talaga kahit sa blog. Magrereview pa ako! Babye na. Goodnight!😘

Paano ako kumikita ng pera sa Skwelahan?!

Magandang araw sayo Besshy! Isa kaba sa mga nagtatanong at nagiisip kung paano makapag-iipon? Wala kabang naiipon dahil kulang ang baon na ibinibigay ng nanay at tatay mo? Pwes, may sulusiyon tayo diyan!

Hindi kita tuturuan na sumali sa isang Networking Organization bagkus ay ituturo ko sayo ang 3S ko. As in, Three Strategies!

Noong pasukan ay binibigyan pa ako ni Nanay ng Fifty Pesos a day at talaga namang bitin sa akin ang halaga na iyon. Kaya naman, umisip ako ng paraan upang kumita ako ng pera.

Hindi ko na muna ginastos ang mga baon na ibinigay nila sa akin mula first day hanggang fourth day at inipon ko lang yun.

Noong hawak ko na ang apat na fifty pesos in a total of Two hundred pesos, nag-research ako ng mga ways kung paano mapapalago ang dalawang daan ko. Good thing at nandiyan si YouTube© para makakuha ng ideas at napanood ko nga ang isang video kung saan ay itinuturo kung paano kumita ng pera ang isang babaeng istudyante sa pagbebenta ng Pizza Rolls na may maliit na halaga at hindi tataas sa dalawang-daang piso.

Noong napanood ko yun ay napaisip ako na What if, magtinda rin ako? , What if ito na ang way para makaipon ako. Tutal ay makapal naman ang mukha ko, kaya kong magtinda.

When I already decide, Agad akong bumili ng Ingredients sa Palengke at agad akong nagluto ng Pizza Rolls.

I run that business hanggang sa nag-try narin akong magtinda ng Graham Balls at iba pang product na pasok sa budget ng isang istudyante. Good thing pa na sa Fourth floor ang room namin kaya yung ibang tinatamad ng bumaba sa Canteen ay sa akin nalang bumibili.

Hindi mo naman kailangan magubos ng pera at oras sa pagtitinda. As much as Presentable ang product mo, bebenta at bebenta yan!

‘S’ 1:

Think Positive.

Hinding-hindi ka makakagalaw ng maayos at hinding-hindi mo magagawa ang mga bagay na gusto mong gawin kung ikaw mismo sa sarili mo ay nega ka. Isipin mo lang maganda ang buhay at hindi matatapos ang buhay mo sa isang sitwasiyong mahirap dahil bilog ang mundo.

‘S’ 2:

Go and have some research.

Ang paggawa ng pera ay idinadaan din sa matinding brainstorming. Mag-research ka kung anong product ang gagawin mo at pag-aralan mo rin kung paano mag-costing para maiwasan ang pagkalugi o di naman kaya ay baka tinda ka ng tinda pero di ka naman kumikita. Talasan ang isip besshy!

‘S’ 3:

Kapalan ang mukha and trust God.

Kailangan ng malawakang self-confidence dito kaya besshy, kung puro hiya ka lang ay hindi ka magsa-succeed dito. Huwag na huwag kang mahihiyang magtinda dahil para sa iyo rin naman ang kikitain mo. Maniwala ka na kaya mong mag-alok! Fighting! Isa pa, Huwag na huwag kalilimutan na magdasal dahil isa yan sa pinaka magandang pagkunan ng lakas. Okie?

Hayan na besshy ha? Tinuro ko na sayo ang strategies ko kung paano ako kumikita ng pera sa skwelahan. Sana ay magawa mo rin. Walang masama sa iyong ginagawa kaya Go lang ng Go! Dahil lahat ng pagsisikap ay may sukling tagumpay.

Don’t forget to give some feedback Besshy! God bless you!❤